Saturday, December 12, 2020

Walang katapusang pang aabuso ng mga makapangyarihan sa lipunan by Katherine Espina


Ang nobelang Noli Me Tangere na sinulat ni Jose Rizal ay naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Layunin nito ay mamulat tayong mga Pilipino sa mga maling pamamalakad at pamumuno ng mga kastila sa ating bansa.



Ngunit kahit naman magpasahanggang ngayon ay ginagawa parin ito ng ilang naka pwesto sa pamahalaan,ang pang-aabuso sa katungkulan ng mga naka pwesto sa pamahalaan, ginagamit nila ang kanilang katungkulan para mapangurakot at makapanglamang sa kapwa. Sobra ang ginagawa ng pang aabuso ng mga katungkulan noon at sinamantala na sila ay makapangyarihan. Ayaw matuto ng mga kastila ang mga Pilipino nuon, tinatawag pa silang mangmang gaya ng paglalarawan ni Padre Damaso sa nobela ng mga pilipino. Ayaw nila itong matuto sapagkat natatakot silang malamangan na maging kadahilan ng katapusan ng kanilang paghari-harian. 


Dahil sa hindi maayos na pamamalakad sa Sistema ng Edukasyon, may mga kabataan gaya nila Crispin at Basilio sa nobelang Noli Me Tangere na imbis mabigyan ng karapatan na matuto ay naghahanap buhay nalang ang mga ito. Sila ay maagang naghihirap at sinasaklaw rito ang hindi pagpapahalaga ng mga karapatan ng mga kabataan. Ito ay inabuso kadahilan ng pagkakamatay ni Crispin. Sa kabilang dako, ang mga mag-aaral ni Nol Juan ay sinasaktan upang madaling matuto ng mga bagay na hindi nila naiintindihan. Natakot ang mga bata at ayaw na nilang matuto dahil sa pinag-uutos ni Padre Damaso sa pagpalo nito at paghihirap nito.


Ang paghihirap ni Sisa sa nobelang Noli Me Tangere ay sinasaklaw ng kanyang karakter ang mga usapin ng kasarian, uri, at katayuan sa lipunan. Si Sisa na siyang tinanggalan ng karapatan, inalipusta, at pinagsamantalaan. Sobra ang pag-aabuso sa mga kababaihan at mahihirap, pang aabusong sekswal ay nararanasan din noon ng mga kababaihan sa mga pari. Isa sa mga biktima nito ay si Donya Pia Alba at di man lang nila nakakamtan ang hustisya. Bilang babae, tinitingnan si Sisa na mahina ng kanyang asawa kaya’t siya ay minamaltrato at sinasaktan nito. Ibinenta ang kanyang mga alahas upang matustusan ang bisyo nito sa pagsasabong at nakatikim pa ito ng dahas sa mga kamay nito. Nasa balikat ni Sisa ang lahat ng responsabilidad bilang magulang. Siya lamang ang kumalinga sa kanilang mga anak. 

Sa katayuan may mga tao gaya ni Sisa ay inaabuso, siya ay pinagtatawanan at hinahusgaan ng mga tao. Nawala sa kanyang piling ang kanyang mga anak na naging sanhi ng pagiging baliw niya. Ang kalagayan ni Sisa ay nagbunga ng pang-aabuso sa kanya. Naging palaboy-laboy siya sa kahahanap sa kaniyang isang anak. Si Sisa ay pinagkaitan ng karapatan na ipagtanggol ang kaniyang anak laban sa maling paratang.


At ang kahu-hulian ay ang mga paglabag sa mga karapatan, dahil sa palapit na pista sa San Diego sa 
nobelang Noli Me Tangere, nagkaroon ng pulong pulo sa lahat ng mga lider ng bayan. Sila ay naghain ng kung ano mas karapat dapat sa pista pero sa huli, ang gusto ng kuro ang masusunod. Dismaya ang lahat dahil meron na sana silang napagtantuan na plano ngunit wala silang magawa kundi sundin ang inutos ng kuro. Nilalabag nila ang karapatan ng mga tao noon, walang kalayaang magpahayag ng kanilang mga nasasaloob, sapagkat kung ikaw ay nagpahayag ng iyong nais ipapalagay nila na ikaw ay kumakalaban sa kanilang pamahalaan at ikaw ay parurusahan.



No comments:

Post a Comment